Lunes, Marso 24, 2014

Matanong ko Lang...

Matanong Ko Lang?

PAANO mo gusto MAMATAY?

“Ang buhay ay tulad ng isang musikang may simula at wakas.”

Walang permanenteng bagay sa mundo. Ang lahat ay may hangganan.  Isisilang tayo, matututong humakbang sa sariling paa, maglalakabay at hahanapin ang sariling kapalaran.

MASARAP MABUHAY.

Pero paano kung dumating na ang wakas mo at papipiliin ka kung paano mo mamamatay, paano mo wawakasan ang iyong buhay?

Ikaw ba ay malulunod? Maaaksidente at magkakalasug-lasog ang katawan?
Magkakaroon ng malubhang sakit o magagahasa ng sampung tikbalang?

Magkakaroon ng pambihirang sakit na ikaw lang ang mayroon?
O aakyat sa pinakamataas na building saka tatalon?

MARAMING PARAAN kung paano mamatay pero ang lahat ng iyon ay nakatakda na. Kung paano, DIYOS lang ang nakakaalam.


BAGKUS…

Habang may oras pa tayo para tuparin ang mga pangarap natin at gumawa ng mabuti, o kaya nama’y itama ang ating mga pagkakamali,  mamuhay tayong sumasabay sa agos ng kabutihan.


A/N: Ikaw, ano’ng masasabi mo?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento